Wikang Filipino, wika ng pagkakaisa
Ang wikang filipino ay kinikilalang
wikang pambansa ng Pilipinas. Sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas ay may iba’t-ibang
lengguahe ng mga tao, paano tayo
magkakaintindihang lahat kung hindi natin gagamitin ang wikang Filipino? Ang
wikang Filipino ay wika ng pagkakaisa, ginagamit ito sa pakikipagkomunikasyon
sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas.
Ang wika ay nakatali sa ating
kultura at kung sino tayo. Ang pambansang wika ay nakakatulong upang tayo ay
magkaisa. Ang ating pambansang bayani,
Si Jose Rizal, ay nagpahayag ng kahalagahan ng pag-ibig sa bansa sa pamamagitan
ng pagmamahal sa ating wikang Filipino. Sinabi niya na “Ang hindi marunong
magmahal sa sariling wika, ay mas masahol pa sa malansang isda”. Kailangan
nating tangkilikin ang ating wika, ipagmalaki at gamitin ng tama tungo sa
pagkakaisa.

No comments:
Post a Comment